Pamilya ni President elect Bongbong Marcos, naghahanda na para sa inagurasyon sa June 30

Naghahanda na ang pamilya Marcos sa inagurasyon ni President Elect Bongbong Marcos sa June 30.

Ayon kay Senador Imee Marcos pati ang kaniyang ina na si dating unang ginang Imelda Marcos, excited na.

Filipiñana ang kanilang isusuot sa araw ng inagurasyon.

Hindi masabi ng Senador kung buong pamilya hanggang sa mga apo ay makakadalo sa inagurasyon .

Doble raw kasi ang kanilang pag- iingat ngayon dahil bukod sa may edad na ang kaniyang ina, muling nagpositibo sa COVID-19 ang kaniyang anak.

Sa isyu kung agad lilipat sa Malacañang si PBBM, sinabi ng Senador na hindi pa ito napag- uusapan.

Sa ngayon nakafocus aniya ang kaniyang kapatid sa pagpili ng mga opisyal na maari nyang makatuwang sa administrasyon .

Nais ng kaniyang kapatid na magtrabaho at patunayan na mali ang mga alegasyon laban sa kanilang pamilya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: