PBBM, nagtalaga na ng mga bagong opisyal sa PNR at LRTA

Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong opisyal para sa transport system ng bansa.

Ayon sa DOTR, itinalaga Si Jeremy Regino bilang Acting General ng Philippine National Railways (PNR) habang ang broadcaster na si Henry Uri naman ang itinalagang acting member ng PNR Board Of Directors.

Samantala, si Atty. Hernando Cabrera naman ang itinalagang bagong LRTA Administrator.

Si Regino ay dating nagsilbing Administrator ng LRTA habang si Cabrera naman ay dating tagapagsalita ng LRTA.

Please follow and like us: