Pangulong Duterte binigyan ng bagsak na grado ni Sen. de Lima

Bagsak na grado ang ibinigay ni Senadora Leila de Lima sa isang taon ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagharap sa Muntinlupa RTC, iginiit ni de Lima na napako ang mga pangako ng Pangulo na giginhawa ang buhay ng mga Pilipino.

Pawang kasinungalingan at pekeng kaso rin aniya ang  isinampa laban sa kanya at iba pang kalaban ng administrasyon.

Iginiit ng Senadora na pawang pangigipit rin aniya ng ginawa ng Pangulo sa loob ng isang taon lalo na sa mga kritiko ng administrasyon.

Binatikos rin ni de Lima ang kampanya ng gobyerno laban sa droga kung saan libu-libo na ang mga naging biktima.

Karamihan aniya sa mga biktima ay mga mahihirap at walang kalaban laban.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *