Pangulong Duterte , handang maging consultant ng susunod na administrasyon

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na maging consultant ng susunod na administrasyon.

Ayon kay Senador Christopher Bong Go sa tagal nang karanasan ng Pangulo sa serbisyo publiko ay marami itong maibabahagi na payo sa magiging susunod na Pangulo ng bansa.

Marami aniyang maituturing na achievements ang Duterte administration lalo na sa paglaban sa illegal drugs at kriminalidad.

Pero ipapaubaya pa rin aniya ng Pangulo ang pasya kay Presumptive president Bong bong Marcos.

Meanne Corvera

Please follow and like us: