Pangulong Duterte hindi dadalo sa proclamation ng mga nanalong senador – Malacañang

Hindi dadalo sa proclamation ng National Board of Canvassers ng mga nanalong senador si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Senator elect at dating Special Assitant to the President Bong Go na hindi dadalo ang Pangulo sa proclamation ng mga bagong senador.

Ayon kay Go noong filing lamang ng kanyang Certificate of Candidacy o COC sumama ang Pangulo.

Batay sa schedule ng Pangulo tanging ang presentation of credential ng Thailand Ambassador to Manila ang engagement ng Pangulo sa araw na ito.

Magugunitang si COMELEC Spokesman James Jimenez ang nagpalutang na posibleng daluhan ng Pangulo ang proclamation ng mga nanalong senador sa nagdaang midterm election dahil pasok sa Magic 12 ang mga manok ng administrasyon.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *