Pangulong Duterte, hindi gagawa ng midnight appointment sa huling 3 buwan sa pwesto

Wala ng pipirmahang appointment ng mga bagong itatalagang opisyal ng gobyerno sa huling tatlong buwan ng kanyang termino si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya magsasagawa ng tinatawag na midnight appointment.

Ayon sa Pangulo bahala na ang susunod na Presidente na magtalaga ng mga bagong opisyal sa pamahalaan.

Inihayag ng Pangulo na maraming tao ang pumupunta sa kanya para maitalaga sa ibat-ibang posisyon sa gobyerno.

Niliwanag ng Pangulo maliban sa isyu ng midnight appointment ay umiiral na ang election ban ng Commission on Elections o COMELEC na nagbabawal ng pagtatalaga ng mga bagong opisyal ng gobyerno sa buong election period kaugnay ng isasagawang halalan sa Mayo.

Vic Somintac

Please follow and like us: