Pangulong Duterte , nilagdaan na ang certificate of nomination acceptance ng PDP laban sa kaniyang VP bid

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Certificate of nomination acceptance ng PDP laban para sa kaniyang pagtakbo bilang vice president sa eleksyon sa Mayo.

Sa larawang inilabas ng PDP laban Cusi faction , kita ang pangulo na lumalagda sa CONA.

Ang CONA ay isusumite ng partido sa COMELEC pagkatapos ng huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy.

Ang mga kandidatong mabibigong maghain ng COC ay ituturing na mga independent candidate.

Si Senador Bong Go pa rin ang isusulong ng grupo ni Cusi faction ng PDP laban na pambato sa pagkapangulo katandem ng Pangulo.

Inamin ng PDP laban na hindi sila naghahanap ng kapalit sa ngayon dahil maari pa raw mabago ang isip ni Senador Bong Go.

Una nang tinanggihan ni Go ang alok na maging katandem ng Pangulo at iginiit na hindi siya interesado sa pwesto.

Meanne Corvera

Please follow and like us: