Pangulong Duterte , maaaring maging peace negotiator sa pagitan ng Russia at Ukraine

Kwalipikado si Pangulong Rodrigo Duterte na maging negosyador para matapos na ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na kaibigan ng Pangulo si Russian President Valdimir Putin at maganda rin ang relasyon ng Pilipinas at Ukraine kaya maaring maging peace negotiator ang Chief Executive.

Ayon kay Andanar, nananatiling neutral ang Pilipinas sa giyerang nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Inihayag ni Andanar nababahala ang Pangulo sa krisis sa Ukraine dahil posibleng mauwi ito sa isang nuclear attack ng Russia.

Vic Somintac

Please follow and like us: