Pangulong Duterte makikipagdayalogo sa mga guro kaugnay ng planong salary increase ayon sa Malakanyang

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makausap ng personal ang mga guro kaugnay ng planong pagdaragdag sa kanilang suweldo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na aalamin niya kay Pangulong Duterte ang schedule ng dayalogo sa mga guro.

Ayon kay Panelo kasalukuyang inaaral ng economic team ng malakanyang kung saan huhugutin ang pondo para sa salary increase ng mga guro sa buong bansa.

Sagot ito ng Malakanyang sa panawagan ng grupo ng mga guro na panahon na para dagdagan ang kanilang suweldo.

Magugunitang mismong si Pangulong Duterte ang nangako na pagkatapos taasan ang sahod ng mga sundalo at pulis ay isusunod ang mga guro.

Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *