Pangulong Duterte, mayroon nang itatalagang House Speaker

Nakapili na umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng itatalagang House Speaker  sa Kamara sa pagbubukas ng 18 th congress

Ayon sa source ng radyo agila nangyari ito sa meeting na ipinatawag kahapon ng pangulo sa Malacanang.

Dumalo sa meeting ang may isandaan at limampung kongresista kasama na ang anak na Davao Congressman Paolo Duterte at kanang kamay na si Senator elect Bong Go.

Present din sa meeting sina bagong henerasyon Partylist Representatve Bernadeth Herreda Dy, ACT CIS partylist Representative Jocelyn Tulfo, Bem Noel ng Anwaray.

Pero tumanggi muna itong sabihin kung sino kina Marinduque Congressman Lord Alan Velasco,Taguig Congressman Alan Peter Cayetano, Pampanga Congressman Dong Gonzales at Davao Congressman Pantaleon Alvarez ang napili ng pangulo.

Ang desisyon ng pangulo ay ire relay nito kay Senador Manny Pacquao na siyang napili ng PDP Laban na mag anunsyo ng magiiging house speaker matapos ang girian ng mga contendera

Noong  nakaraang linggo una nang pinulong ni Pacquaio ang mga kandidato sa pagka house speaker.

Ito ay kasalukyang nasa Amerika at inaasahang babalik bago ang SONA sa Hulyo.

Ulat ni Meanne Corvera


Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *