Pangulong Duterte nagkaloob ng financial assistance sa mga pampublikong ospital sa Metro manila

Nagbigay ang tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ni Senador Christopher Bong Go ng tulong pinansyal sa mga pampublikong Ospital sa Metro Manila.

Layon nitong palakasin ang kapasidad ng mga pampublikong Ospital kahit na bumaba na ang kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Go na Chairman ng Senate Committee on Health na maraming Non-COVID patient ang naka confine ngayon sa mga Ospital na hindi natugunan sa kasagsagan ng pandemya.

Kabilang na rito ang mga Chronic diseases tulad ng Cancer.

Kasama sa mga nabigyan ng tig-iisandaang milyong pisong Presidents Social Fund ang:

Quirino Memorial Medical Center

Jose Reyes Medical Center

Veterans Memorial Medical Center

Jose Rodriguez Medical Center

Philippine Heart Center

Philippine Childrens Medical Center

Amang Rodriguez Hospital

Dr Jose Fabella Hospital

Meanne Corvera

Please follow and like us: