Pangulong Duterte nais ng matapos sa lalong madaling panahon ang Marawi crisis

Inatasan ni Pangulong Duterte ang militar na tapusin na sa lalong madaling panahon ang krisis sa Marawi City na mahigit ng tatlong buwan.

Sinabi ng Pangulo dahil sa pagsasaalang-alang sa mga hawak na bihag ng mga teroristang Maute group kaya tumatagal ang operasyong militar sa Marawi City.

Ayon sa Pangulo hanggat maari ay maiwasan na maging collateral damage ang mga sibilyang bihag ng Maute group.

Niliwanag naman ng Pangulo na ipinauubaya na niya sa mga military ground commanders kung ano ang diskarte para tuluyan ng mabawi ang lungsod ng Marawi.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *