Pangulong Duterte, nakakumpleto na ang anti-Covid vaccine- PSG Chief

Kinumpirma ng Security Chief ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakakumpleto na ng bakuna kontra Covid-19 ang Pangulo.

Ayon kay Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III, binakunahan ng second dose ang Pangulo, 14 na araw matapos ang first dose nito ng Sinopharm vaccine noong May 3.

Matatandaang June 7 nang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) application para sa 1,000 Sinopharm vaccine na donasyon ng China.

Pero ayon kay Durante, kahit bakunado na ang Pangulo ay mananatili pa rin ang mahigpit nilang pagbabantay lalu na ang health protocol hanggang sa huling araw ng pamumuno ng Pangulo.

Simula nang magkaroon ng Pandemya ng Covid-19 ay hindi na nagpositibo ang Pangulo sa virus infection kaya tiniyak ng PSG na nananatiling ligtas ang Pangulo ng bansa laban sa virus.

Please follow and like us: