Pangulong Duterte nananatili pa rin ang kumpiyansa kay Aguirre

Courtesy of Wikipedia.org

Nananatili pa rin ang kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa harap ng makailang beses na itong sumasablay sa kanyang mga rebelasyon sa ilang maseselang isyu .

Sinabi pa ni Abella, ginagawa lamang ni Aguirre ang kanyang trabaho at nanatili ang tiwala sa kanya ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Abella, naniniwala siyang alam naman ni Aguirre ang mga aksyon sa sinasabi nito.

Iginiit pa ni Abella na hindi naman lihis sa polisiya ng administrasyon ang ginagawa ni Aguirre at malamang na bahagi lamang ito ng diskarte ng kalihim.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *