Pangulong Duterte pahinga pa rin mga nakapilang schedule kinansela

duterte visits

Courtesy of Wikipedia.org

Wala pa ring official schedule si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Matatandaan na ito na ang ikatlong araw na hindi nagpapakita si Pangulong Duterte matapos itong hindi dumalo sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Independence Day noong Lunes.

Batay sa impormasyon mula sa Malacanang, kanselado ang lahat ng nakalinyang schedule ng Pangulo ngayong araw at uuwi ito sa Davao City.

Una nang sinabi ng Malacanang na walang malubhang sakit si Pangulong Duterte at nagpapahinga lamang ito na rekomendasyon ng kanyang personal doctor.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kailangang unawain ang Pangulo dahil kailangan nitong magpahinga matapos ang ilang araw na pagiikot sa mga base militar sa Mindanao at pagpunta sa burol ng mga namatay na sundalo sa bakbakan sa Marawi City.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *