Pangulong Duterte, personal na kinumusta ang kalagayan ni dating Pangulong Erap Estrada

Sa pamamagitan ng Twitter post, ibinahagi ni dating Senador JV Ejercito ang ginawang pagtawag sa kaniya sa telepono ni Pangulong Rodrigo Duterte upang personal na kumustahin ang kalagayan ng kaniyang ama at dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Ayon kay JV, nabigla siya sa pagtawag ng Pangulo ngunit nakalalakas aniya ng loob ang pangungumusta nito sa kaniyang ama.

Maging si dating Senador Jinggoy Estrada ay nagpahayag din ng pasasalamat sa Pangulo sa pag-aalala nito sa kanilang ama sa pamamagitan ng kaniyang social media account.

Ayon sa magkapatid, lumala ang Pneumonia ng kanilang ama kaya kinailangang ilagay na ito sa Mechanical Ventilation upang mag-improve ang oxygen delivery.

Nauna nang dinala sa ICU ang dating Pangulo, ilang araw matapos magpositibo sa Covid-19.

Ken Mesina

Please follow and like us: