Pangulong Duterte pikon na sa grupong KADAMAY dahil sa pang-aagaw ng bahay

Naubusan na ng pasensiya si Pangulong Duterte sa grupong KADAMAY.

Sinabi ng Pangulo na umaabuso na ang grupong KADAMAY matapos makarating sa kanyang kaalaman ang balak ng grupo na muling agawin ang isa na namang government housing project.

Ayon sa Pangulo sa pagkakataong ito ay hindi na niya palalagpasin ang KADAMAY dahil napagbigyan na ang mga ito ng makuha ang housing project ng gobyerno sa Pandi Bulacan para inilaan para sa mga sundalo at pulis.

Inihayag ng Pangulo na susupilin niya ang KADAMAY dahil anarkiya na ang nais nilang mangyari.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *