Pangulong Duterte pinahahandaan na ang kanyang ikalawang SONA sa susunod na buwan

 download
courtesy of wikipedia.org

Ikinakasa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA na gaganapin sa July 24 kasabay ng joint session ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na nagsimula na ang pagpupulong ng Presidential Management Staff o PMS hinggil sa magiging laman ng ikalawang SONA ng Pangulo.

Ayon kay Andanar iuulat sa bayan ni Pangulong Duterte ang accomplishment ng kanyang administrasyon at assessment sa unang SONA promises.

Inihayag ni Andanar na tiyak na kasama sa SONA message ng Pangulo ang ukol sa resulta ng kampanya sa kriminalidad partikular ang laban sa ilegal na droga at ang pagbaka sa korapsyon sa pamahalaan.

Idinagdag ni Andanar na ilalatag din ng Pangulo ang plano ng administrasyon sa susunod na limang taon.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *