Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pagiging popular ang habol kundi mabago ang bansa.

Binuweltahan ng Malakanyang ang mga grupong pinapalaki ang isyu sa pagbagsak ng popularity rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi hinahabol ng Pangulo ang pagiging popular.

Ayon kay Abella ang habol ng Pangulo ay magkaroon ng pagbabago sa bansa sa pamamagitan ng pagbaka sa korapsyon, kriminalidad at ilegal na droga.

Inihayag ni Abella na totoong hindi popular ang Pangulo sa mga tinatamaan ng kampanya laban sa korapsyon at iligal na droga.

Niliwanag ni Abella na marami paring naniniwala sa Pangulo na maipatutupad ng pangulo ang pagbabago sa bansa.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *