Pangulong Rodrigo Duterte iniutos ang agarang pagresolba sa pagpaslang kay Judge Edmundo Pintac ng Ozamis

Nagbigay ng marching order si Pangulong Rodrigo Duterte na agad imbestigahan ang pagpaslang kay Judge Edmundo Pintac.

Si Pintac ay ang Ozamiz City RTC judge na humahawak sa drugs at firearms cases laban kina Nova Princess Parojinog and Reynaldo Parojinog Jr.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, sa kalagitnaan ng cabinet meeting kagabi ay may nagpaabot ng report sa Pangulo tungkol sa pagpaslang kay Judge Pintac.

Sinabi ng Pangulo na dapat bilisan ang imbestigasyon at ihatid agad ang hustisya.

Bilang tugon dito sinabi ni DILG OIC Eduardo Año na magbubuo siya ng task force na siyang tututok sa imbestigasyon sa krimen.

Ayon kay Año agad bibigyan ng update ang Pangulo kung ano mang resulta ng imbestigasyon.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *