Panibagong batch ng mga Pilipino na lumikas sa Gaza, darating sa bansa sa Pebrero 21

Umaabot na sa 136 mula sa 137 Pilipino sa Gaza ang nakalikas mula nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Ito’y matapos makatawid  sa Egypt mula Gaza sa pamamagitan ng Rafah Border Crossing ang 14 pang Pinoy.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo, nakatakdang umalis sa Cairo sa Pebrero 20 ang mga Pinoy at inaasahang darating sa Pilipinas sa  Pebrero 21.

Kabilang din sa mga lumikas ang dalawang Palestinong kamag-anak ng mga Pinoy.

Magkakatuwang ang mga embahada ng Pilipinas sa Jordan, Cairo at Israel at ang Department of Foreign Affair (DFA) sa paglikas at pagpapauwi sa mga Pinoy mula sa Gaza.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *