Panibagong mga kaso ng Covid-19 sa bansa, bumaba sa 3,083 ngayong Linggo

Nakapagtala ng 3,083 mga karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Ayon sa Department of Health (DOH), umakyat na sa 1,179,892 ang kabuuang kaso sa bansa.

Pero mula sa nasabin bilang, 50,635 lamang ang aktibong kaso.

Samantala, nakapagtala rin ng panibagong 6,756 na mga gumaling sa sakit kaya pumalo na sa 1,109,226 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober.

Mayroon ding naitalang bagong 38 na pumanaw kaya nasa 19,951 na ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Paliwanag ng DOH, ang mababang kaso ngayong araw ay dulot ng isinasagawang updates sa COVID Kaya, may ilang datos na hindi naisama sa kasalukuyang case bulletin.

Kasalukuyan na umano itong inaayos ng COVID Kaya Technical team.

Please follow and like us: