Panibagong oil price hike, asahan ngayong linggo

Muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

20 hanggang 35 sentimos sa kada litro ng diesel ang madaragdag sa presyo.

Samantala, 40 hanggang 50 sentimos naman ang inaasahang magiging dagdag sa bawat litro ng gasolina.

Sa kerosene naman tinatayang nasa pagitan ng 70 hanggang 80 sentimos ang magiging pagtaas sa presyo ng bawat litro.

Epekto pa rin ng paggalaw sa presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan ang dahilan ng mga oil players sa panibagong price increase.

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *