Panibagong oil price hike nakaamba ngayong linggong ito

Panibagong oil price hike ang nakaamba ngayong linggong ito.

Sa magkakahiwalay na advisories, sinabi ng Chevron Philippines Inc., Fly (Caltex), Flying V, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Inc. na tataas ng P1.20 ang presyo ng kada litro ng gasolina; P1.05 naman sa diesel at P0.65 sa kerosene.

Kapareho ring price adjustment ang ipatutupad ng Cleanfuel, Petro Gazz, at Unioil Petroleum Philippines Inc. maliban sa kerosene.

Ito na ang ikawalong linggong magkakasunod na oil price hike.

Please follow and like us: