Panibagong oil price hike, posibleng ipatupad bukas

Nag-anunsyo ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong linggong ito.

Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex) at Pilipinas Shell Petroleum Corp. na tataas ng P0.80 ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina, P0.80 rin sa diesel at P0.85 naman sa kerosene.

Kapareho ring price increase ang ipatutupad ng Petro Gazz maliban lamang sa kerosene.

Habang ang Cleanfuel ay nasa P0.65 ang magiging pagtaas sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.70 naman sa diesel.

Inaasahang bukas magiging epektibo ang oil price increase.

Ito na ang magkasunod na apat na linggong pagtaas sa presyo ng langis.

Please follow and like us: