Panibagong record-high na 9,838 bagong kaso ng Covid- 19, naitala ng DOH; Kabuuang kaso umakyat na sa 702,856

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong Record high na bagong kaso ng Covid-19 na nasa 9,838.

Dahil rito, umakyat na sa 702,856 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 109,018 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 663 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 580,689 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 54 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 13 149 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: