Panukala sa Security of tenure, sesertipikahang Priority bill

Sesertipikahan ni Pangulong Duterte bilang Priority bill ang panukalang batas na nakabinbin sa Senado kaugnay sa Security of tenure.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, napagkasunduan ito sa kanilang pagpupulong noong nakalipas na Biyernes kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sinabi ng kalihim na ang panukala ay ibinatay din naman sa isa sa mga balangkas na executive order kaugnay sa kontraktwalisasyon na dapat sana ay pipirmahan ni Pangulong Duterte.

Sa ilalim ng panukala, ang mga manggagawa na pinagtrabaho sa loob ng hindi tiyak na panahon ay ituturing nang regular kapag natapos na ang anim na buwang probationary period.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *