Panukalang 4.5 Trillion National Budget, isasalang na sa Bicam ngayong araw

Isasalang na sa Bicameral conerence committee ngayong araw ang panukalang 5.4 Trillion National Budget.

Ito ay para plantsahin ang magkaibang bersyon ng Kamara at Senado sa inaprubahang Pambansang Budget para sa susunod na taon.

Close door ang Bicam na gagawin sa Makati City.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Committee on Finance, kasama sa miyembro ng Senate panel sina Senador: Pia Cayetano, Cynthia Villar, Panfilo Lacson, Joel Villanueva, Win Gatchalian, Richard Gordon,Bong Go, Imee Marcos, Risa Hontiveros, Grace Poe at Kiko Pangilinan.

Kasama sa mga bubusisiin ng Bicam ang umano’y insertion ng ilang mambabatas sa pondo ng Commission on Elections.

Meanne Corvera

Please follow and like us: