Panukalang Batas para Bureau Of Immigration Modernization, pasado na sa House Committee on Justice

Lusot na sa House Committee on Justice ang panukalang batas para sa modernisasyon ng Bureau of Immigration ( BI ).

Sa pagdinig ng Komite, inaprubahan ang House Bill 127 o Bureau of Immigration Modernization Act na iniakda mismo ni Committee on Justice Chairperson Congresswoman Juliet Ferrer.

Layunin ng panukalang batas na mapalakas pa ang BI sa pamamagitan ng reorganisasyon at gawing mas propesyonal ang kagawaran, i-upgrade ang sistema, taasan ang suweldo at kompensasyon ng mga kawani.

Ang Immigration Modernization Act ay aamyendahan nito ang mahigit 80 taon nang Philippine Immigration Act of 1940.

Sa panig ng BI, sinabi ni Immigration OIC Rogelio Gevero na suportado nila ang panukalang modernisasyon ng kagawaran upang makapaghatid sila ng world-class na serbisyo at higit sa lahat mas matutukan ang pagbabantay sa borders ng bansa laban sa undesirable aliens at pagbibigay proteksiyon sa ating mga kababayan na nagiging biktima ng human at drug trafficking, illegal recruitment, prostitusyon at iba pa.

Vic Somintac

Please follow and like us: