Para DanceSport Team ng Pilipinas, nag-uwi ng mga medalya

Photo: Official FB page of Phil. Sports Commission

Nag-uwi ng mga medalya ang Para DanceSport Team ng Pilipinas, mula sa katatapos na 2021 Polish Open World Qualifying Round na ginanap sa Lomianki, Poland.

Kabilang sa iniuwing medalya ng team ay pitong gold, apat na silver at walong bronze.

Bukod sa napanalunang mga medalya, pasok din ang Philippine Para DanceSport Team sa qualifying ng Para DanceSport World Championship na gaganapin naman sa Korea.

Ang 2021 Polish Open World Qualifying Round ay ginanap nitong October 9-10, 2021.

Please follow and like us: