Pasig City congressional candidate na si Christian Sia, sinampahan ng disqualification petition

Hindi kuntento ang Task Force Safe ng Commission on Elections, sa mga naging paliwanag ni Pasig City congressional candidate Christian Sia matapos siyang bigyan ng show cause order.
Kaya nitong Miyerkoles ng umaga ay nagsampa ng Motu Propio Petition for Disqualification, ang Task Force Safe sa Office of the Clerk of Commission laban kay Sia.

Sinabi ni Atty. Sonia Bea Wie-Lozada, head ng task force, na hiniling din nila na kung sakaling manalo si Sia sa halalan ay huwag muna itong iproklama hangga’t hindi pa nadedesisyunan ang petisyon.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinadidiskuwalipika sa Comelec ang isang kandidato dahil sa pagsasalita ng hindi maganda sa panahon g kampanya.

Babala ni Lozada, posibleng panimula palang ito dahil marami pang nakalinya na bigyan ng show cause order dahil sa paglabag sa kanilang anti-discriminatory resolution.
Madelyn Villar-Moratillo