Pasig City Mayor Vico Sotto sumasailalim sa self-quarantine makaraang magpositibo sa COVID-19 ang driver nito

Naka-self quarantine si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos nagpositibo sa COVID-19 at kalaunan ay namatay ang kanyang driver.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sotto na noong nakaraang Miyerkules, March 10 huli niya nakasalamuha ang kanyang driver bago ito isinugod sa ospital.

Hinihintay na lamang ni Sotto ang resulta ng kanyang RT-PCR test na isinagawa nitong Linggo.

Ayon sa alkalde, asymptomatic o wala siyang sintomas ng COVID maliban sa kanyang chronic cough na sakit na niya bago pa man ang Pandemya.

Mananatiling naka-quarantine si Sotto hanggang sa susunod na Miyerkules, March 24.

Kaugnay nito, suspendido ang flag raising ceremony at balik sa work from arrangement ang mga kawani ng City hall.

Moira Encina

Please follow and like us: