Pasok sa lahat ng hukuman sa NCR, suspendido na rin

Sinuspinde na rin ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng hukuman sa NCR simula alas -dose ng tanghali.
Kabilang na rito ang pasok sa Supreme Court, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan, at mga Regional Trial Courts at Municipal Trial Courts sa Metro Manila.
Ang kautusan ay ipinalabas ni acting Chief Justice Antonio Carpio dahil sa patuloy na pag-ulan dala ng habagat.
Ipinauubaya naman ni Carpio sa mga Executive judges ng mga korte sa labas ng NCR ang pagpapasya kung isususpinde rin ang pasok sa kanilang nasasakupan.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *