Pasok sa lahat ng korte sa bansa ngayong araw, half-day lamang

Hanggang alas-12 ng tanghali lamang ang pasok ng lahat ng mga korte sa buong bansa ngayong araw, October 30.

Ito ang inanunsyo ng Supreme Court Public Information Office batay sa 2020 Supreme Court Calendar.

Bukod sa Korte Suprema, half-day ang pasok sa Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, Presidential Electoral Tribunal, at mga first at second- level courts sa bansa.

Gayunman, tuloy ang training seminar ng Philippine Judicial Academy sa 2019 Amendments to the 1997 Rules of Civil Procedure at sa Revised Rules on Evidence.

Moira encina

Please follow and like us: