Pasok sa mga Korte sa buong bansa, half-day lang sa Miyerkules, March 31

Hanggang alas- 12:00 ng tanghali lamang ang pasok ng mga empleyado ng mga Korte sa buong bansa sa Miyerkules, March 31.

Ito ay batay sa ipinalabas na kautusan ni Acting Chief Justice Estela Perlas-Bernabe na nagdedeklara ng half-day na pasok sa mga Hukuman sa bansa.

Alinsunod din ito sa Supreme Court-approved calendar para ngayong taon.

Ang half-day na pasok ay kaugnay na rin ng long holiday weekend dahil sa Semana Santa ng mga Katoliko.

Moira Encina

Please follow and like us: