Patas na pagtrato sa pro at anti-Marcos groups, ipinag-utos ng PNP Chief sa mga pulis


Ininspeksiyon ni Philippine National Police Chief (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda ang mga pulis na nakadeploy sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kasabay nito, ipinag-utos ni General Acorda ang patas na pagtrato sa mga pro at anti-Marcos na mga raliyesta kaugnay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.

Sinabi pa ng Heneral na wala silang naitatalang anumang untoward incident sa kasalukuyan kaya umaasa ang Hepe ng Pambansang Pulisya na matatapos nang mapayapa ang nasabing mga aktibidad.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *