Patricia Non na nagsimula ng mga Community pantry pinabibigyan ng pagkilala sa Senado

Nais ni Senador Grace Poe na bigyan ng pagkilala si Patricia Non at iba pang mga volunteer na nagpasimula ng mga Community pantry.

Naghain na si Poe ng Senate Resolution 714 bilang pagkilala sa kabayanihang ipinakita ni Patricia Non at iba pang volunteers na nagtayo ng community pantry.

Ayon sa senador ang ginawa ni non at iba pang nagtayo ng community pantry ay pagpapakita ng bayanihan sa gitna ng pandemya.

Ang kanilang inisyatibo ay nakatulong para sa mga pamilyang nagugutom at nawalan ng trabaho.

Hindi man pangmatagalan sinabi ng Senador na ang mga pagkaing ibinibigay sa mga community pantry ay pantawid ng mga mahihirap na pamilyang nawalan ng kabuhayan.

Sa datos aniya umaabot pa sa halos apat na milyong indibidwal ang nawalan ng trabaho na nangangahulugan rin ng kakapusan ng pagkain.

Meanne Corvera

Please follow and like us: