PBBM at VP Sara napanatili ang mataas na satisfaction at trust rating sa OCTA Tugon ng Masa survey

Nanguna si Vice-President Sara Duterte sa isinagawang Tugon ng Masa survey ng OCTA Research Group.

Sa nasabing survey na isinagawa mula Marso 24 hanggang 28, nakakuha si VP Sara ng 84% satisfaction rating at 87% trust rating.

Sumunod naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng 80% satisfaction rating at 83% trust rating.

Sumunod naman sa nakakuha ng mataas na rating si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nakakuha ng 59% satisfaction rating, at 55% trust rating, na mas mataas ng 17% kumpara sa survey na ginawa sa huling quarter ng 2022.

Batay rin sa nasabing survey, si Senate President Juan Miguel Zubiri ay nakakuha ng 53% satisfaction at 50% trust rating.

Habang si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo naman ay nakakuha ng 41% satisfaction at 39% trust rating.

Nasa 1,200 ang respondents sa nasabing survey na may plus minus 3% margin of error at 95 porsyentong confidence level.


Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *