PBBM, dapat pagsabihan ang pinsang si Speaker Romualdez

Hinimok ni Senador Koko Pimentel si Pangulong Bongbong Marcos na kausapin at pagsabihan ang pinsan na si House Speaker Martin Romualdez na tigilan na ang pagsusulong ng People’s Initiative para amyendahan ang saligang batas.

Apila ni Pimentel, sana manghimasok na ang Pangulo para matigil na ang aniya’y imoral na pagkilos ng Kamara.

Nakakaapekto na kasi aniya sa relasyon ng Kamara at Senado ang isyu ng signature campaign at hindi malayong magresulta ng banggaan at pagkakaantala sa pagpapatibay ng mas mahahalagang panukalang batas.

Ang lahat aniya ng ebidensiya si Romualdez at mga Kongresista ang itinuturo na tila pag hijack sa paraan ng pag- amyenda saligang batas.

Hindi lang aniya kamag anak ng Pangulo si Romualdez kundi isang political ally na inendorso ng Pangulo sa pagka House Speaker kaya nga ito naitalaga sa puwesto.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *