PBBM, hinikayat ng ilang Senador na ituloy ang war on drugs

Hinikayat ng ilang senador si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na ituloy ang war on drugs na sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil na rin anila ito sa serye ng mga pagpaslang at panghahalay sa mga kabataan ng umano’y lulong sa ipinagbabawal na droga.

Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, tila wala na namang takot ang mga kriminal na maghasik ng karahasan.

Sinabi naman ni Senador Bong Go na hindi dapat masayang ang naumpisahan na ng nakaraang administrasyon.

Kapag bumalik aniya ang illegal drugs sa merkado, babalik rin ang mas malalang mga krimen kasama na ang korapsyon.

Meanne Corvera

Please follow and like us: