PBBM nag-alok muli ng kasal kay FL Liza Marcos

Muling nag-alok ng marriage proposal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa paggunita ng ika-30-taong wedding anniversary ng First Couple, ibinahagi sa social media account ni Pangulong Marcos ang mga larawan ng kaniyang wedding proposal.

Kalakip din nito ang maikling sulat na nagsabing “Make all my dream come true!

Marry me again! Happy anniversary!”

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Pangulong Marcos na muli niyang napasagot ng ‘oo’ ang maybahay.

Dagdag na pahayag pa ng Pangulo na sa loob ng 30 taon, wala siyang nakikitang ibang kasama maliban kay First Lady Liza.

“You will always be the girl of my dreams,” dagdag pa ng Pangulo.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *