PBBM tiniyak ang tuloy tuloy na suplay ng murang produkto sa Kadiwa

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na sisiguruhin ng gobyerno patuloy na makakabili ang publiko ng murang bigas sa Kadiwa stores.

Kaugnay nito, nagsagawa ng surprise inspection si PBBM sa warehouse ng National Food Authority sa Valenzuela City.

Pupuntahan rin umano nito ang iba pang warehouse ng NFA.

Nais ng pangulo na tuloy tuloy ang suplay ng mga murang produkto na mabibili ng publiko sa kadiwa.

Sa isyu naman ng suplay ng sibuyas, tiniyak ni PBBM na naghahanap na sila ng paraan para madala sa merkado ang mga nasabat ng puslit na sibuyas sa kadiwa.

Pero bago dalhin sa Kadiwa stores isasailalim muna sa pagsusuri ang mga ito para siguradong ligtas kainin.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *