PCG frontliners, tuloy parin ang trabaho ngayong holiday season

Sa kabila ng pagdiriwang ng holiday season, tuloy pa rin ang trabaho ng mga personnel ng Philippine Coast Guard na nakadeploy sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang PCG ay isa sa mga frontliners na tumutulong sa pag asiste sa mga OFW at iba pang pinoy na umuuwi sa bansa sa pagkuha ng kanilang swab test.

Mahigpit din ang pagpapatupad ng health protocols at safety measure sa NAIA, hanggang sa quarantine hotels kung saan dinadala ang mga kababayan nating OFWs para sa kanilang 14-day quarantine.

Inaasahan na wala ring holiday leave ang mga PCG personnel, upang hindi maputol ang serbisyo-publiko sa paliparan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: