PCG website, pinagtangkahang pasukin ng hacker

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na may nagtangkang i-hack ang kanilang website.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, sa impormasyon mula sa Department of Information and Communications Technology ang hacker galing sa China.

Hindi naman nila inaalis ang posibilidad na may kinalaman ito sa isyu ng West Philippine Sea.

Ito aniya ang unang pagkakataon na may nagtangkang i-hack ang kanilang website.

Tiniyak ng opisyal na nakaalerto sila sakaling maulit ang insidente.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang PCG sa DICT at tiniyak na may sapat na firewall sila.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *