PCG sa Camarines Sur naglunsad ng floating community pantry

Kasabay ng nauuso ngayong pagsasagawa ng community pantry, isang floating community pantry naman ang inilunsad ng Philippine Coast Guard Station sa Camarines Sur.

Ang floating community pantry ay ginawa sa karagatang sakop ng Balatan, Camarines Sur kung saan ang kanilang tinarget matulungan ay mga mangingisda.

Ilan sa kanilang ipinamimigay ay bigas, sariwang gulay, at itlog sa mga nakakasalubong na mangingisda.

Nagpasalamat naman ang mga mangingisda na nakatanggap ng tulong mula sa floating community pantry.

Madz Moratillo

Please follow and like us: