PCGA at Knights of Rizal, lumagda ng MOA para palakasin ang kooperasyon

Magtutulungan ang Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) at ang Order of Knights of Rizal (KOR) sa mga programa at proyekto para maisulong ang pagmamahal sa bayan.

Batay ito sa Memorandum of Agreement na pinirmahan ng mga opisyal ng dalawang organisasyon.

Ang PCGA ay civilian support group ng Philippine Coast Guard habang ang KOR ay civic at patriotic organization na nilikha sa ilalim ng RA 646.

Umaasa si PCGA National Director Auxiliary Vice Admiral Jorge Lim na sa pamamagitan ng kanilang partnership sa KOR ay mas mapapaigting nila ang nasyonalismo sa kanilang hanay.

Ayon kay KOR Commander Raymundo Del Rosario, halos magkapareho ang misyon ng dalawang grupo na magsilbi sa bansa kaya tama lang na suportahan nila ang isa’t isa sa mga programa.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *