PDL na tumakas sa Iwahig prison noong 1999, nadakip muli matapos ang 25 taon

Isang preso na tumakas mula sa Iwahig Prison and Penal Farm  25 taon na ang nakararaan ang muling naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Kinilala ni Sablayan Prison and Penal Farm Chief Superintendent Roberto Veneracion ang pugante na si Pedrino G. Núñez, 59 anyos at naninirahan sa Barangay Sta. Lucia, Sablayan, Occidental Mindoro.

Ayon sa BuCor, nagsisilbi ng sentensyang reclusion perpetua sa Iwahig prison para sa kasong murder si Nuñez.

Nakulong ito noong October 23, 1997 sa Iwahig at tumakas noong Abril 14, 1999.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *