PDL sa San Ramon Prison and Penal Farm ,nahulihan ng droga

Inaresto sa pinagsanib na buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Corrections ang isang inmate sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City matapos mahulihan ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang inmate na si Kerwin Mohammad Abadilla na mula sa minimum security.

Bukod kay Abadilla, dinakip din ang sibilyan na si Albadir Mala Ajijul alyas Jun-Jun.

Hindi pa batid ang dami na nakuhang iligal na droga mula sa mga suspek.

Dinala sa PDEA ang dalawa para sa booking at inquest.

Kaugnay nito, sinibak sa puwesto ang apat na mga tauhan ng BuCor na sina CSO4 John Hicap, CO2 Jimmy Wong, CO2 Joel Broncano at CO1 Marlon Hemandez habang iniimbestigahan ang insidente

Una nang lumagda ng kasunduan ang BuCor sa PDEA at iba pang ahensya para sa synchronization ng mga operasyon laban sa drug trafficking sa loob ng mga kulungan nito.

Inatasan naman ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ang pamunuan ng SRPPF na makipagtulungan sa imbestigasyon ng PDEA sa insidente.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *