Pekeng dentista, arestado ng NBI sa Leyte

Hinuli ng NBI ang isang lalaki sa Abuyog, Leyte dahil sa illegal practice ng dentistry.

Kinilala ang naaresto na si Alvin Caminong Sy.

Nagsagawa ng surveillance operation ang
NBI- Eastern Visayas Regional Office matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa indibiduwal na nagpa-practice ng dentistry nang walang kaukulang lisensya.

Courtesy: NBI

Nadiskubre ng NBI na sa bahay ni Sy sa Brgy. Nalibunan sa Abuyog ito tumatanggap ng mga pasyente.

Batay sa sertipikasyon na inisyu ng Professional Regulatory Commission sa NBI, hindi rehistradong dentista si Sy.

Dahil dito, ikinasa ng NBI ang entrapment operation kung saan dalawa sa mga tauhan nito ang nagpanggap na pasyente.

Matapos ang dental service sa isa sa mga undercover agents ay dito na inanunsiyo ng mga NBI agents ang kanilang otoridad at hiningi ang lisensya ni Sy pero wala itong naipakita

Sasampahan ng reklamong paglabag sa R.A. 9484 o Philippine Dental Act ang pekeng dentista.

Moira Encina

Please follow and like us: