Ph Consulate General kinumpirma ang pagpanaw ng isang Fil-Am sa mass shooting sa Monterey Park, California

Isang Pilipino ang nasawi sa nangyaring mass shooting sa Monterey Park, California.

Ito ang kinumpirma ng konsulado ng Pilipinas sa Los Angeles, California.

Kinilala ng Philippine Consulate General ang Pinoy na biktima na si Valentino Alvero, 68 anyos at isang US citizen.

Courtesy: AFP

Tiniyak ng konsulado na handa itong tumulong sa pamilya ng biktima.

Nagpaabot din ng pakikidalamhati ang konsulado sa mga pamilya ng lahat ng nadamay sa pamamaril.

Umapela rin ang consulate general sa Pinoy community na mag-ingat at patuloy na maging mapagmatyag lalo na sa panahong ito.

Pinayuhan din ang mga Pilipino na agad na iulat sa mga otoridad ang anumang kahina- hinalang pangyayari.

Umaabot sa 11 ang namatay habang siyam ang sugatan sa mass shooting na naganap sa isang ballroom dance studio sa Monterey Park.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.